Linggo, Enero 27, 2013

ROMANTICISM: ANG TUNDO MAN MAY LANGIT DIN

ROMANTICISM: ANG TUNDO MAN MAY LANGIT DIN 
ni Andres Cristobal Cruz


ROMANTICISM - An artistic and intellectual movement originating in Europe in the late 18th century and characterized by a heightened interest in nature, emphasis on the individual's expression of emotion and imagination, departure from the attitudes and forms of classicism, and rebellion against established social rules and conventions. Romantic quality or spirit in thought, expression, or action.


PLOT

Tumawag si Flor kay Victor upang anyayahan itong makipagkita sa kanya sa isang palamigan sa Quiapo. Napag-alaman ni Victor na si Flor ay dalawang buwan ng nagdadalantao. Nangangaba si Flor na totoo ang sinasabi ng babaing pumunta sa kanyang apartment at sinabing siya ang totoong asawa ni Tonyo na ama ng dinadala ni Flor. Nangako si Victor na aalamin kung totoo ang kinatatakutan ni Flor. Nahuli si Victor sa usapan nilang pagkikita ni Alma sa lobby ng pamantasang kanilang pinapasukan. Pagkatapos ng kanilang klase ay napagpasiyahan niyang dumalaw sa apartment ni Flor. Pagkatapos ng kanyang pagdalaw kay Flor ay umuwi na siya. Namataan niyang nag-iinuman sina Lukas at ang mga kaibigan nito sa isang restawran sa Looban ng Tundo. Muntik ng magkagulo sa loob ng restawran. Buti na lamang at napigilan iyon ni Victor. Ngunit ng papauwi na sila ni Lukas ay nakaharap muli nila ang mga Waray at nakipagbabakan ang mga iyon sa kanila. Kumalat sa Looban ang tungkol sa pakikipagbakbakan nila Victor at Lukas.
Sa klase nila Victor at Alma na Philippine History ay kinuwestiyon ni Victor ang librong isinulat ni Agila na isang awtoridad ng Kasaysayan ng Pilipinas. Sa araw din na iyon ay bumili si Alma ng bago niyang talaarawan.
Sa gabing iyon ay nagkaroon muli ng masamang panaginip si Alma tungkol sa kanyang ama at kay Dolores na dati nilang katulong. Kinabukasan ay nagpaalam si Alma sa kanyang Daddy at Mommy na magkaroon ng party para sa nalalapit niyang graduation. Inanyayahan ni Alma ang kanyang mga kaklase at si Victor. Dumating ang araw ng party ni Alma ngunit siya ay malungkot dahil sa hindi sinunod ng kanyang mga magulang ang kagustuhan niya na sila-sila lamang ng kanyang mga kaklase ang magpaparty. Nagtungo muli si Victor sa apartment ni Flor bago pumunta sa party ni Alma. Nagtalo silang dalawa tungkol sa kagustuhan ni Flor na hindi na maaari pang mangyari. Pagkatapos ng pagtatalong iyon ay pumunta na si Victor sa bahay nila Alma.
Dahil sa pamimilit ni Alma at dahil na rin sa pamilya ni Victor ay napagpasiya nitong dumalo sa kanilang baccalaureate at graduation dahil sa ayaw niyang ipagkait ang kaligayahan sa kanyang pamilya. Dumating ang araw ng Baccalaureat nila Alma at Victor, sa araw na iyon ay niregaluhan ni Victor si Alma. Kinabukasan ay araw ng graduation nila Alma at Victor, sa araw naman na iyon ay nagregalo si Alma kay Victor ng isang fountain pen na may naka-engraved na "Victor-Alma." Si Flor naman ay nagregalo kay Victor ng isang relo.
Lumipas ang ilan pang mga araw. Nabalitaan ni Victor na nakapagtayo si Flor ng isang patahian kung saan katulong niya sa pagpapatakbo nito si Dolores. Dinala ni Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon nakita ni Alma ang matagal na niyang hinahanap na si Dolores, ang dati nilang katulong na sa kanyang paniniwala ay nagawan ng masama ng kanyang ama.
Dumating ang buwan ng Hunyo. Nagsimula na si Alma sa pagtuturo sa Torres High. Ilan pang mga araw ang nakalipas at pumunta si Alma sa patahian nila Flor upang kausapin si Dolores at ibigay ang sustento nito para makatulong at makabawi sa maling nagawa ng kanyang ama.
Si Victor naman ay tinulungan ni Paking upang makapagturo sa Torres High. Nakatanggap agad siya ng appointment bilang substitute teacher sa paaralan. Nagkita muli sina Alma at Victor sa Torres High kung saan pareho silang magtuturo.
Dumating ang araw ng panganganak ni Flor at sa araw na iyon ay hindi nagpahuli si Tonyo. Naroroon siya upang makita ang kanyang anak kay Flor. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay napagpasiyahan ni Tonyo na ipagtapat sa kanyang maybahay na siya'y may anak ka Flor. Naging maayos ang usapan ng mag-asawa at napagpasiyahan nilang dumalaw kay Flor sa ospital.
Hindi na napigilan ni Alma ang kanyang damdamin at napagpasiyahan niyang ipagtapat na kay Victor ang kanyang nadarama. Sa araw din na iyon ay ipinagtapat ni Alma sa kanyang Daddy na alam niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Dolores. Nasabi niya iyon ng dahil pagtatalo nila tungkol sa pagkikita nila ni Victor.
Kinabukasan ay ipinadala ni Alma ang kanyang bag kay Victor at sa di sinasadya ay nakita ni Victor ang talaarawan ni Alma. Hindi umaamin si Victor kay Alma nang tanungin siya nito kung nabasa niya ang talaarawan nito.
Lumipas ang mga araw at mas lalong nagkamabutihan sina Victor at Alma hanggang sa dumating ang isang araw na hindi na nila napigilan ang damdamin ng isa't isa at sila ay nagpasiya ng magpakasal. Pumunta si Victor sa bahay nila Alma upang hingin ang kamay ni Alma sa ama nito. Hindi naman tumutol ang ama ni Alma at masaya pa ito para sa dalawa. Napagpasiyahan nilang sa lalong madaling panahon ay ikakasal sila.
Dumating ang araw ng kasal. Simple lamang ang pag-aayos dito at kakaunti lamang ang inimbitahan ngunit sa kabila nito ay masayang idinaos nila Alma at Victor ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Sa gabi ng kanilang kasal ay nakapag-isa ang bagong kasal. Inihandog ni Alma ang kanyang talaarawan kay Victor at Ibinigay naman ni Victor kay Alma ang panganay nilang halik sa isa't isa. Doon ay ipinagtapat na ni Victor na nabasa niya ang talaarawan ni Alma. At pagkaraan ng ilan pang sandal, doon sa pook na iyon ng Tundo'y sinimulang likhain, sa kabila ng ingay ng mga nagsusumbatang pulitiko, ng dalawang nagkakaisa't nagkakaugnay ng pangarap ang isang bago't matapang na daigdig. Isang daigdig na kaypala'y may sariling langit na biyaya ng pag-ibig.

CRITIQUE:


In limelight modern age of Philippine literature, the highly critically acclaimed novel of Andres Cristobal Cruz has greatly influenced the life of Filipinos today. Ang Tundo Man May Langit Din generates Romanticism theory in a fact that the story's center point is the characterized by a heightened interest in nature, emphasis on the individual's expression of emotion and imagination, departure from the attitudes and forms of classicism, and rebellion against established social rules and conventions.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento